

ANO
ANG CHLORAMINE?
Ang tubig na may chloramine ay maaring inumin ng tao at hayop, at ligtas ito para sa pangkahalatang gamit. Nguni't ang chloramine, tulad ng chlorine, ay kailangang alisin sa tubig na pinamamahayan ng isda o amphibians tulad ng palaka. Kailangan ding alisin ito sa tubig na gagamitin ng mga tao o negosyong nangangailangan ng tubig na di pangkaraniwan.
Kailangan ding maingat na alisin o ipawalang-bisa ang chloramine sa proseso ng kidney dialysis, sa paghahanda ng tangke o lawa ng isda, sa mga negosyong gumagamit ng tubig sa maseselang proseso o sa paggawa ng mga pamatid-uhaw na inumin. Ang chloramine, di tulad ng chlorine, ay hindi maaalis kung ang tubig ay pakukuluan lamang, o kaya'y hahayaan sa isang bukas na lalagyan upang malusaw ng hangin ang chlorine gas. Maaalis o mapapawalang-bisa lamang ang chloramine sa pamamagitan ng katangi-tanging pamamaraan.
Basahin ang laman ng polyetong ito upang malaman ito...
GAWING MAS MAINAM PA ANG TUBIG NA MAINAM NA
Paano mapapainam pa ang
ating tubig?
Pebrero 2, 2004, sisimulang gamitin ng San Francisco Public Utilities Commission
(SFPUC) ang chloramine-sa halip na chlorine-sa paglinis ng tubig na iniinom
natin. Ang chloramine ay pinaghalong chlorine at amoniya. Ito'y tinuturing
na mas mainam na panlinis at pangdisinpekta ng tubig. Maraming komunidad sa
Bay Area ang matiwasay na gumagamit ng chloramine sa pagdisinpekta. Ang SFPUC
ay namamahagi ng mataas na uring tubig na inumin sa higit sa 2.4 milyong mamamayan
at komersyante sa San Francisco, sa Peninsula, South Bay at East Bay. Sa paglipat
namin sa chloramine, maaring maging panatag ang mga mamamayan na sila'y tatanggap
ng tubig na walang katulad sa kalinisan, tubig na sumusunod o lumalagpas pa
sa kasalukuyang regulasyon at sa mga inaantabayanang regulasyon.
Bisitahin ang aming website: www.sanbrunowater.ca.gov
Bakit chloramine?
Tinuturing na mas mainam na panlinis ang chloramine kaysa chlorine lamang,
dahil ito'y nananatili sa tubig nang mas matagal upang kitilin ang mga pathogens
tulad ng bacteria at viruses.
Kung itutumbas sa chlorine, ang chloramine ay nagbubunga ng mas mababang antas ng trihalomethanes-mga pinaghihinalaang carcinogens o sanhi ng kanser-na nagbubunga kapag ang chlorine ay pinaghalo sa mga natural na sustansya ng tubig. Ang mga suki ng ibang water utilities ang nagsasabi na ang tubig ay mas mainam ang lasa at amoy kapag chloramine ang ginamit na disinfectant.
Mas nakararaming Bay Area utilities at komunidad sa buong bansa ang lumipat na sa chloramine sa pagdisinpekta ng tubig. Ito ang ilang lokal na utilities na gumagamit ng chloramine: Alameda County Water District, East Bay Municipal Utility District, Marin Municipal Water District, at Santa Clara Valley Water District.
Paano na ang mga isda
at amphibians?
Maaring makasalanta sa isda at amphibians-tulad ng pagong at palaka-ang tubig
na may chloramine kapag ang chloramine ay dumaan sa kanilang hasang at humalo
sa dugo. Upang protektahan ang isda at amphibians, alisin ang chloramine sa
pamamagitan ng mumurahing panlinis (likido o tabletas) o pangsala na karbon.
Ang mga produktong ito ay madaling bilhin sa mga tindahan ng pet supplies
o aquarium.
May impormasyon tungkol sa isda at amphibian ang mga sumusunod na website:
www.sfaquarium.org
www.sfbakc.org
www.sfaquariacentral.com
Paano na ang mga pasyenteng
nasa dialysis at ang kanilang tagapangalaga?
Tulad ng chlorine, ang chloramine ay maaring makapinsala sa mga pasyenteng
nasa dialysis (habang sila'y nasa proseso) kung hindi ito aalisin sa tubig
na hahalo sa dugo. Walang panganib kung ang tubig na may choloramine ay iinumin
lamang ng pasyente, dahil ang proseso ng pagtunaw sa tiyan ay nagpapawalang-bisa
sa chloramine bago ito humalo sa dugo.
Susuriin ng California
Department of Health Services ang mga komersyal na dialysis facilities upang
matiyak na ang mga ito ay nagpaigi na ng kanilang kagamitang pang-alis ng
chloramine, bago mangyari ang pangkalahatang paglipat sa chloramine. Para
sa iba pang impormasyon, tawagan ang inyong tagapagbigay ng dialysis o ang
Trans Pacific Renal Network: (415) 472-8590
www.network.7.org
Paano na ang mga negosyong
gumagamit ng mataas na uring processed water?
Ang mga negosyong gumagamit ng processed water, tulad ng mga laboratoryo,
microchip manufacturers, kompanyang biotech, gumagawa ng alak, nagbobotelya
ng pamatid-uhaw, at photography labs ay maaring mangailangan din ng kakaibang
hakbang upang makatiyak na ang kanilang water treatment process ay magtatanggal
ng chloramine sa tubig bago nila gamitin.
Sa pangkaraniwan, ang kailangan lamang ay isang simpleng pagsasatama ng proseso.Para sa mas marami pang impormasyon, tumawag sa isang water treatment professional o sa inyong kasalukuyang supplier. Maari nilang sulitin ang inyong treatment process at maari silang magrekomenda ng kinakailangan pagbabago.
Kailangan pa ba ninyo
ng impormasyon?
Please click here to view information in English, Spanish, Chinese or Tagalog.
© Copyright 2004 - City of San Bruno. All rights reserved. Terms of Site Use